Skip to main content

Posts

Showing posts from July, 2019

Ibat ibang uri ng bike

Anu anu nga ba ang mga uri ng bike? Actually, pag nagtry ka maghanap sa Google, madami, as in madaming uri ng bike. Nakaka overwhelm ang dami ng klase ng bike, depende sa style ng pagriride mo, sigurado may bike na para diyan. Talakayin natin ang ilan sa mga uri ng bike. Ilan sa mga mabibiling budget bikes ay road bike, mountain bike, at hybrid bikes.          credits to  ljbikes.com  for the photo. 1. Road bike - eto yung mga bike na nakadisenyo para sa mga kalsada. Madalas ang mga bike na ito ay nkadropbar, at isang katangian nila ay magaan at mabilis, lalo na kung patag at malayuan ang rides. Dropbars din ay makatutulong dahil may ibat ibang paraan para ipwesto ang kamay para hindi mangawit. Ang malalaki at maninipis na gulong nito ay nakakatulong para makaarangkada ng mabilis sa kalsada ng konting effort lang. Kung ang intensyon mo ay magride sa patag ng mabilis at malayo, ang road bike ang pinakamagandang option.     ...

Bike Newbie

Bago ka lang din ba sa mundo ng cycling? Tulad mo ako din, ako si rham, isang professional hairdresser turned bike enthusiast. Recently, naghahanap ako ng way para magbawas ng timbang, dun ako napasok ang mundo ng pagbbike. Ang hindi ko inasahan, nahumaling ako, hinanap hanap ko yung pakiramdam. Dun ko naalala, kailan ba ako huminto magbike? Naalala ko na madalas ako mapagalitan dati dahil kung saan saan ako napapadpad pag nakasakay sa bike. Iba yung pakiramdam na idinudulot neto.Dito ako nkaramdam ng fulfillment. Lalo na pag nakakarating ako sa mga lugar na hindi ko pa napupuntahan. Dagdag mo pa na isa ito sa pinakamagandang uri ng exercise. Ang mga blog na ito ay tungkol sa pagbbike. Impormasyon at mga detalye na madalas na tanong ng mga baguhan. Simulan na natin.