Anu anu nga ba ang mga uri ng bike?
Actually, pag nagtry ka maghanap sa Google, madami, as in madaming uri ng bike. Nakaka overwhelm ang dami ng klase ng bike, depende sa style ng pagriride mo, sigurado may bike na para diyan.
Talakayin natin ang ilan sa mga uri ng bike.
Ilan sa mga mabibiling budget bikes ay road bike, mountain bike, at hybrid bikes.
credits to ljbikes.com for the photo.
1. Road bike - eto yung mga bike na nakadisenyo para sa mga kalsada. Madalas ang mga bike na ito ay nkadropbar, at isang katangian nila ay magaan at mabilis, lalo na kung patag at malayuan ang rides. Dropbars din ay makatutulong dahil may ibat ibang paraan para ipwesto ang kamay para hindi mangawit. Ang malalaki at maninipis na gulong nito ay nakakatulong para makaarangkada ng mabilis sa kalsada ng konting effort lang. Kung ang intensyon mo ay magride sa patag ng mabilis at malayo, ang road bike ang pinakamagandang option.
credits to ljbikes.com for the photo.
2. Mountain bike - eto naman yung bike na nakadisenyo para sa off road, mga burol at bundok, trails at putik. Nakadisenyo ang mga gulong nito upang madaling magulungan ang mga obstacle tulad ng ugat, mga bato atbp. Madalas meron itong suspension sa harapan o di kaya sa likuran para makatulong sa pag absorb ng mga lubak. Flat handle bars para naman sa dali ng maniobra. Madalas mas malalaki ang plato sa likod ng mga bike na ito kumpara sa road bike. Ito ang best option ng mga tao dito sa atin bilang pang all around bike. Dahil aminin na natin, hindi naman lahat ay kayang bumili ng dalawa o higit pang bisikleta.
credits to ljbikes.com for the photo.
3. Hybrid bikes - eto naman yung bike na pinaghalong katangian ng road bike at mountain bike sa iisang bike. Para sa akin ang ibang mga off road bikes ay sakop na din nito, tulad ng Flat bar road bikes, cyclocross bikes, gravel bikes.
Para sa akin eto ang mga uri ng bike na madalas mong makikita dito sa Pilipinas.
At ito rin ang mga uri ng bike na maari mong mabili kung limitado lamang ang budget mo.

Comments
Post a Comment